Tuesday, September 26, 2006

Will & Me


"And so, I'm willing to fall..
Willing to fall over the edge of the cliff..
Willing to fly without wings,
to reach the euphoric heights of love.

And even if I'll find myself lost,
alone..
and unloved..
I will not regret a single moment.

Because in the end..
It's not how much I was loved,
but how I have given myself to someone completely..
and how I loved crazily..

And selflessly
let go of a love
that was
not meant to be..."


Monday, September 25, 2006

Beinte Singko


every 25th of the month, i am very excited.. kinikilig, masaya, enjoy, busy, may kasama..

that was 5 25th-of-the-month's ago.. ngayon, isang araw na ang lumipas simula ng ika-beinte singko..


---------------------------------------------------------
Just because my eyes don't shed tears, doesn't mean my heart doesn't cry.
Just because I come out strong, doesn't mean there's nothing wrong.
Often, I choose to pretend I'm happy so I don't have to explain myself to the people who would never even understand.
Smiling has always been easier than explaining why I'm sad.


Comentario:

Anonymous said:
hmmmm...parang pareho tayo a!26 lang ang sa akin n dat was 5 months ago den.april was a very bad month for me...hahaha... :) nakakarelate ako sa poem at sa mga sinasabi mo...hahaha...masking the emotions i have.5 months,well,almost 6 months na pala,lonely but i have to move on.pero i'm still shaking everytime i saw him with another u-knw-what-i-mean cguro...hahaha... :)
pareho ba tayo ng ini-isip?hahaha...baka hindi...
anyways,nkuha ko blogsite mo frm kooki's blog site...
--October 7, 2006, 5:27 p.m.

Nysa said:
wow, tnx po sa comments mo... i didn't know na may magkakainteres na ichek ang blog ko, kasi personal mga nakalagay, hindi interesting...
nweis, tnx ulit...
xa naman, wala pa naman yatang ibang girl sa buhay nya.. pero hindi kasi maganda ang mga nangyari, kaya until now, eto, trying pa rin ako to move on.. mahirap talaga, im always telling to myself ng na kaya ko na xa harapin, dat imready and prepared, pero iniisip ko pa rin, baka manghina lang ako...
pero xmpre, kailangang patunayan nating mga girls dat we dont deserve dat kind of treatment..
tnx ulit, hope to see u ulit sa blog ko.. and hopefully, nexttime, di ka na anonymous...
GOD bless!
--October 9, 1:22 p.m.



Sunday, September 24, 2006

Taxi Driver, Hinoldap ng Pasahero, PATAY!


last week, habang ako'y nanonood ng BANDILA, may isang balita na nakapukaw sakin.

"Taxi driver, hinoldap ng pasahero, PATAY!"

Isang taxi driver ang hinoldap ng kanyang dalawang pasahero. Matapos umalis ang mga holdaper, humingi ito ng tulong sa isang pedicab driver, ngunit pagdating ng ospital ay agad din itong namatay dahil sa tinamong 22 saksak sa iba't ibang parte ng katawan. Sinasabing pilit daw umanong kinukuha ng mga holdaper ang kinita ng driver sa buong maghapon, ngunit dahil sa ayaw ibigay ng driver ay inundayan ito ng saksak.

What is interesting?! Pinagpalit ng driver ang kanyang buhay para sa halagang P1,500.

Ito lang ang kinita ng driver sa buong maghapon, kaya siguro ayaw din niyang ibigay sa mga holdaper dahil sa baka wala siyang maiuwing pera sa kaniyang pamilya.

Nakakalungkot lang na maraming Pilipino ang kayang ipagpalit ang buhay para lang mabigyan ng pambili ng pang-araw-araw na pagkain ang kanilang pamilya. Although, nakakabilib din naman pero, ang masama sa loob ay ng dahil sa kahirapan, nangyayari ang ganitong bagay.

Ang dalawang holdaper, malamang ay nangangailangan din sila ng pera, kaya nagawa nila ito. Ang taxi driver, ang pag-dadrive ang tanging hanapbuhay nya, upang magkaroon sila ng panggastos sa araw-araw.

Bakit ba kasi may mga taong ayaw magbanat ng buto sa legal na paraan, at nangdadamay pa sila ng ibang tao para matustusan ang kanilang pangangailangan?

Bakit ba kasi may delikadong trabaho pa? Bakit kailangan pang mag-drive para lang kumita?

Ewan ko kung saan kong subject napag-aralan yon, sabi balance of nature daw un. Dapat may mahirap at mayaman. May mayaman para may magpasweldo sa mga nagtatrabahong mahihirap. May mahirap para may magtrabaho para sa mayaman.

Agree naman ako dun, kasi kung puro mahirap nalang, san pa tayo kukuha ng kabuhayan natin? e wala na ngang magpapasweldo sa tin? Kung puro mayaman naman, sino ang magtatrabaho para sa kanila, e ayaw nga nila madumihan ang mga kamay nila.

Di ko rin alam bakit ko 'to ginagawa ngayon? pero nalungkot lang ako sa balita.. Kahit di ako kapamilya ng namatay, naiyak talaga ako sa narinig kong balita.

Sana na lang, maging fair ang buhay. Kaya lang, sabi ng kuya ko, life cannot be fair. well, ganun daw talaga. pero kung makakaya naman nating maging fair sa kapwa natin, bakit di natin gawin?.. Kung kaya nating magtrabaho ng wala tayong inaapakan o inaagrabyado, bakit hindi? Kung kaya nating mabuhay ng payapa, at tahimik, kasama ang ating kapwa ng masaya, bakit hindi?

di ko alam pano tatapusin to..

--------------------------------
I asked GOD, "How do I get the best out of life?" GOD answered: "Face your past without regret, handle your present with confidence, prepare for the future without fear." Then HE added, "Keep the faith and drop the fear. Don't believe your doubts and never doubt your beliefs. Life is wonderful if you know how to live.."

GOD knows..
GOD sees..

-------------------------------
Do you know that there are two days in our life that we can do nothing about? One is yesterday, and it's gone, while the other is tomorrow which is uncertain and might not come at all.
We can only live in today: today, we can love, work, play, and above all, enjoy..

Saturday, September 23, 2006

In A Relationship


Months have passed but still..
no one to hug and kiss,
and no one to plan the future with..
I always say that i'm happy being single..
but i have to admit,
it's somehow.....


...incomplete...

Friday, September 22, 2006

Ina, Anak, Asawa: Babae


Ito’y isang komento ukol sa nakaraang episode ng Mirada de Mujer.

Mirada de Mujer is about a story of a woman, Maria Inez. She is a daughter, a wife to Ignacio, and a mother to Andrea, Andres, and Monica. Maria is a perfect woman. She dedicated her life to her family to the extent that she didn’t pursue her own dream just to give all the best for her family. But to her dismay, her husband left her for another woman, Daniela. Her family blamed her for what happened to their family. Her youngest daughter was very affected, that she even got into drugs..

Kanina, dinakip ng mga pulis si Monica dahil nahuling nagda-drugs. At lahat ng tao, si Maria na naman ang sinisisi.

Maria is such a great woman, for me. Bilang anak, naging masunurin sya sa kaniyang Mama. Hindi nya itinuloy ang kanyang pangarap dahil ayon sa kanyang Mama, ang dapat niyang asikasuhin ay ang kaniyang magiging pamilya.

Bilang kaibigan, Maria is always there for her two bestfriends.. She is there for her friend who is now having a problem because of breast cancer, and doesn’t want to tell her condition to her husband. She also advices her other friend to be carefull, especially that this friend of Maria, is dating almost every man in town, to think that she already have her own family.

As a mother, si Maria ay maunawain at ulirang ina. Lagi syang nakaagapay sa kanyang mga anak at lagi nyang iniintindi ang mga ito, kahit ano pa ang kanilang mga pagkakamali.

Pero sa kanilang episode kanina, bilang babae, naiinis ako.. Parang nawalan ng karapatan bilang babae si Maria. Karapatang ipagtanggol ang sarili, magsalita, lumaban, at magmahal..

Bakit ba ang babae ang sinisisi kapag may mga nangyayaring mali? Kasalanan ng babae kapag nambabae ang mga asawa nila.. Kasalanan ng ina kapag napariwara ang mga anak.. Bakit nasa babae lahat ng sisi??

Si Ignacio, ang sarap sabunutan ng ulo nyang panot.. Ang lakas ng loob na magbigay ng utos sa pamilya nya, dahil simula daw ng umalis sya, napariwara ang tatlo nilang anak. Hindi kaya, dapat isipin ng mga ama na may kasalanan din sila sa nangyayari sa kanilang anak.

Ang pagpapamilya, hindi lang babae ang gumawa. Binuo ito ng babae at lalaki. Nangako sila na magsasama sa hirap at ginhawa. Kaya kung magkakaroon man ng pagkakamali ang kanilang mga anak, hindi lang ina ang may kasalanan, kundi pati ama. Sabi nga, it takes two to tango.

Naalala ko tuloy ang sabi ng isa kong kaibigan (specifically Jake), masuwerte daw ang mga babae dahil binigay daw sa kanila lahat ng pabor. Example pa niya, kapag nirape daw ang babae, bitay ang lalaki.. Buti na nga lang daw at tinanggal ang lethal injection.. Pero kapag ang lalaki naman daw ang nirape, wala naman daw ginagawang parusa sa mga babae.

Point of clarification lang po: Accdg. to ms. Daye, my law student friend / officemate / ate-atehan, R.A. 8353 states that: Ang rape ay any act na ginamitan ng puwersa, o pananakot na nagkaroon ng penetration sa kahit anong butas sa katawan mo… so be it a woman, a man, or a member of the 3rd sex, ay covered ng batas na ito. It just so happened, na marami talagang lalaki ang uhaw at gutom sa laman, kaya marami ang nakakacommit ng rape, kaysa sa mga babae.. Kaya mas maraming lalaki ang napaparusahan. Kung wala pa mang napaparusahang babae, dahil nagcommit din sila ng crime na ito, ito ay dahil duwag ang mga lalaki na magsumbong, at dahil na rin sa bagal ng usad ng batas sa ating bansa. Another point po, kung laging nabibigyan ng pabor ang mga babae, bakit marami pa ring babae ang nakakulong? Bakit marami pa rin, at patuloy na lumalaki ang kaso ng pang-aabuso sa karapatan ng mga babae?

Grabe, nagpupuyos talaga ang damdamin ko sa napanood ko. Bilang babae, ayoko sana na may mga babaing hindi nasusunod ang gusto dahil lang it goes against the norms. Sana matupad ng bawat babae ang lahat ng bagay na hindi lang tama, kundi ung makapagpapasaya din sa kanila. Para wala nang mang-aabuso at mananakit. Nawa’y patuloy na umibig ang kanilang mga puso ng buong tapat, walang halong pag-aalinlangan, at walang kapalit.

Girl power rules!!!

Comentario:

daye said..
Nagpupuyos din ang aking damdamin...GRRR!
--September 25, 2006, 4:29 PM


Thursday, September 21, 2006

friendster blog


i've been lucky, i was part of the recently concluded activity of the Kabataang Liberal ng Pilipinas.. Basic Writing and Blogging Seminar..
so now that i am here in blogspot, i would like to maintain this account..

so i would like to transfer my write-ups from my friendster blog here in blogspot..
  • i wrote about my addiction in friendster games, zuma and luxor... during my deped days, when i had nothing to do, i played these games and actually, finished it with flying colors..
  • i also wrote my experience in MalacaƱang, where i work as Presidential Staff Assistant for almost 4 months...
  • another piece of mine is about my hectic sched as a youth and student leader...
  • my story about love..
  • my affiliation in a student political organization in Bulacan State University..
  • and my movie review..

click the link... happy reading!


Tuesday, September 19, 2006

sagot sa chika ni kuya rey

tanong ni kuya rey:
"bakit ka malungkot?"
nabasa nya kasi ung aking post, entitled 'gawa-gawa'..

Well, after 4 months ng pagiging single, until now, hindi pa rin ako nakakamove-on.. bakit kanyo?

1. im not dating.. (Expecting..)
2. im still crying.. (hayy.. until now..)
3. im still keeping his text messages sa cp ko..
4. im still recording his text messages.. (Yeah..)
5. Memorized ko pa rin ang cp # nya.. (0919..., 0917...)
6. di pa bura ang friendster account namin.. (yata.. di q sure)
7. nasa yahoo photos q pa ang pictures namin together..
8. im keeping his clothes na naiwan nya sakin..
9. galit pa rin ako.. (dahil sa un na nga..)
10. i still love him..yata.. (TANGA! GAGA! BOBO! TUNGAK!)

aun, eh dahil na rin cguro sa wala akong napaglalabasan ng sama ng loob ko, kaya ung damdamin nasa damdamin pa rin... wala akong way para mawala ung sakit na nararamdaman ko...

kaya eto, im making posts na pwedeng kahit papano eh mabawasan ang loneliness, emptiness, and any ..ness pa na gusto nyong isipin...

ayoko na rin kasi nitong nararamdaman ko.. nakakapagod... nakakasawa ng umiyak.. nakakaiyak lang tumingin sa mga memories... masamang magalit... masarap magmahal... pero pano kung ganito ung mga nararamdaman mo...

hayy.. Tama na! naiiyak na naman ako... (Bad kayo!)

From the start of my blog naman, i told u guys na im in senti mode eh... kaya pagbigyan nyo na ko.. pls bear with me.. hehe!

Love u guys!


Comentario:

anonymous said..
erase ko na lahat ng txt msgs nya at bura na cya sa friendster kow at wla na cya sa multiply kow...medyo nka-mov-on na...hahaha... :) hayyy!luv...luv...luv... :)
--October 7, 2006, 5:32 p.m.


Wednesday, September 13, 2006

gawa-gawa


sa bawat minuto ng pag-iyak
tila isang taon ng pagluha..
ilang libong taon na ba akong umiiyak?
isama pa hindi lang ang mga mata, kundi pati puso..

hanggang ilang libong taon pa papatak ang luha mula sa mga mata?..
ilang luha pa ang aagos sa pisngi ng alaala?..
kailan matatapos ang pagdaloy ng mga alaalang,..
tumatarak sa damdamin?..

sana... malapit na...



--- nagawa ko ito kaninang 0030 hours, habang nakahiga sa kama, at nanonood ng mirada de mujer.. nainspire kasi ako kay maria, ang martir na asawa't ina.. ---