Sunday, September 24, 2006

Taxi Driver, Hinoldap ng Pasahero, PATAY!


last week, habang ako'y nanonood ng BANDILA, may isang balita na nakapukaw sakin.

"Taxi driver, hinoldap ng pasahero, PATAY!"

Isang taxi driver ang hinoldap ng kanyang dalawang pasahero. Matapos umalis ang mga holdaper, humingi ito ng tulong sa isang pedicab driver, ngunit pagdating ng ospital ay agad din itong namatay dahil sa tinamong 22 saksak sa iba't ibang parte ng katawan. Sinasabing pilit daw umanong kinukuha ng mga holdaper ang kinita ng driver sa buong maghapon, ngunit dahil sa ayaw ibigay ng driver ay inundayan ito ng saksak.

What is interesting?! Pinagpalit ng driver ang kanyang buhay para sa halagang P1,500.

Ito lang ang kinita ng driver sa buong maghapon, kaya siguro ayaw din niyang ibigay sa mga holdaper dahil sa baka wala siyang maiuwing pera sa kaniyang pamilya.

Nakakalungkot lang na maraming Pilipino ang kayang ipagpalit ang buhay para lang mabigyan ng pambili ng pang-araw-araw na pagkain ang kanilang pamilya. Although, nakakabilib din naman pero, ang masama sa loob ay ng dahil sa kahirapan, nangyayari ang ganitong bagay.

Ang dalawang holdaper, malamang ay nangangailangan din sila ng pera, kaya nagawa nila ito. Ang taxi driver, ang pag-dadrive ang tanging hanapbuhay nya, upang magkaroon sila ng panggastos sa araw-araw.

Bakit ba kasi may mga taong ayaw magbanat ng buto sa legal na paraan, at nangdadamay pa sila ng ibang tao para matustusan ang kanilang pangangailangan?

Bakit ba kasi may delikadong trabaho pa? Bakit kailangan pang mag-drive para lang kumita?

Ewan ko kung saan kong subject napag-aralan yon, sabi balance of nature daw un. Dapat may mahirap at mayaman. May mayaman para may magpasweldo sa mga nagtatrabahong mahihirap. May mahirap para may magtrabaho para sa mayaman.

Agree naman ako dun, kasi kung puro mahirap nalang, san pa tayo kukuha ng kabuhayan natin? e wala na ngang magpapasweldo sa tin? Kung puro mayaman naman, sino ang magtatrabaho para sa kanila, e ayaw nga nila madumihan ang mga kamay nila.

Di ko rin alam bakit ko 'to ginagawa ngayon? pero nalungkot lang ako sa balita.. Kahit di ako kapamilya ng namatay, naiyak talaga ako sa narinig kong balita.

Sana na lang, maging fair ang buhay. Kaya lang, sabi ng kuya ko, life cannot be fair. well, ganun daw talaga. pero kung makakaya naman nating maging fair sa kapwa natin, bakit di natin gawin?.. Kung kaya nating magtrabaho ng wala tayong inaapakan o inaagrabyado, bakit hindi? Kung kaya nating mabuhay ng payapa, at tahimik, kasama ang ating kapwa ng masaya, bakit hindi?

di ko alam pano tatapusin to..

--------------------------------
I asked GOD, "How do I get the best out of life?" GOD answered: "Face your past without regret, handle your present with confidence, prepare for the future without fear." Then HE added, "Keep the faith and drop the fear. Don't believe your doubts and never doubt your beliefs. Life is wonderful if you know how to live.."

GOD knows..
GOD sees..

-------------------------------
Do you know that there are two days in our life that we can do nothing about? One is yesterday, and it's gone, while the other is tomorrow which is uncertain and might not come at all.
We can only live in today: today, we can love, work, play, and above all, enjoy..

No comments: