Friday, September 22, 2006

Ina, Anak, Asawa: Babae


Ito’y isang komento ukol sa nakaraang episode ng Mirada de Mujer.

Mirada de Mujer is about a story of a woman, Maria Inez. She is a daughter, a wife to Ignacio, and a mother to Andrea, Andres, and Monica. Maria is a perfect woman. She dedicated her life to her family to the extent that she didn’t pursue her own dream just to give all the best for her family. But to her dismay, her husband left her for another woman, Daniela. Her family blamed her for what happened to their family. Her youngest daughter was very affected, that she even got into drugs..

Kanina, dinakip ng mga pulis si Monica dahil nahuling nagda-drugs. At lahat ng tao, si Maria na naman ang sinisisi.

Maria is such a great woman, for me. Bilang anak, naging masunurin sya sa kaniyang Mama. Hindi nya itinuloy ang kanyang pangarap dahil ayon sa kanyang Mama, ang dapat niyang asikasuhin ay ang kaniyang magiging pamilya.

Bilang kaibigan, Maria is always there for her two bestfriends.. She is there for her friend who is now having a problem because of breast cancer, and doesn’t want to tell her condition to her husband. She also advices her other friend to be carefull, especially that this friend of Maria, is dating almost every man in town, to think that she already have her own family.

As a mother, si Maria ay maunawain at ulirang ina. Lagi syang nakaagapay sa kanyang mga anak at lagi nyang iniintindi ang mga ito, kahit ano pa ang kanilang mga pagkakamali.

Pero sa kanilang episode kanina, bilang babae, naiinis ako.. Parang nawalan ng karapatan bilang babae si Maria. Karapatang ipagtanggol ang sarili, magsalita, lumaban, at magmahal..

Bakit ba ang babae ang sinisisi kapag may mga nangyayaring mali? Kasalanan ng babae kapag nambabae ang mga asawa nila.. Kasalanan ng ina kapag napariwara ang mga anak.. Bakit nasa babae lahat ng sisi??

Si Ignacio, ang sarap sabunutan ng ulo nyang panot.. Ang lakas ng loob na magbigay ng utos sa pamilya nya, dahil simula daw ng umalis sya, napariwara ang tatlo nilang anak. Hindi kaya, dapat isipin ng mga ama na may kasalanan din sila sa nangyayari sa kanilang anak.

Ang pagpapamilya, hindi lang babae ang gumawa. Binuo ito ng babae at lalaki. Nangako sila na magsasama sa hirap at ginhawa. Kaya kung magkakaroon man ng pagkakamali ang kanilang mga anak, hindi lang ina ang may kasalanan, kundi pati ama. Sabi nga, it takes two to tango.

Naalala ko tuloy ang sabi ng isa kong kaibigan (specifically Jake), masuwerte daw ang mga babae dahil binigay daw sa kanila lahat ng pabor. Example pa niya, kapag nirape daw ang babae, bitay ang lalaki.. Buti na nga lang daw at tinanggal ang lethal injection.. Pero kapag ang lalaki naman daw ang nirape, wala naman daw ginagawang parusa sa mga babae.

Point of clarification lang po: Accdg. to ms. Daye, my law student friend / officemate / ate-atehan, R.A. 8353 states that: Ang rape ay any act na ginamitan ng puwersa, o pananakot na nagkaroon ng penetration sa kahit anong butas sa katawan mo… so be it a woman, a man, or a member of the 3rd sex, ay covered ng batas na ito. It just so happened, na marami talagang lalaki ang uhaw at gutom sa laman, kaya marami ang nakakacommit ng rape, kaysa sa mga babae.. Kaya mas maraming lalaki ang napaparusahan. Kung wala pa mang napaparusahang babae, dahil nagcommit din sila ng crime na ito, ito ay dahil duwag ang mga lalaki na magsumbong, at dahil na rin sa bagal ng usad ng batas sa ating bansa. Another point po, kung laging nabibigyan ng pabor ang mga babae, bakit marami pa ring babae ang nakakulong? Bakit marami pa rin, at patuloy na lumalaki ang kaso ng pang-aabuso sa karapatan ng mga babae?

Grabe, nagpupuyos talaga ang damdamin ko sa napanood ko. Bilang babae, ayoko sana na may mga babaing hindi nasusunod ang gusto dahil lang it goes against the norms. Sana matupad ng bawat babae ang lahat ng bagay na hindi lang tama, kundi ung makapagpapasaya din sa kanila. Para wala nang mang-aabuso at mananakit. Nawa’y patuloy na umibig ang kanilang mga puso ng buong tapat, walang halong pag-aalinlangan, at walang kapalit.

Girl power rules!!!

Comentario:

daye said..
Nagpupuyos din ang aking damdamin...GRRR!
--September 25, 2006, 4:29 PM


No comments: