Monday, September 29, 2008

Never Been Ugly


Getting married

Last Thursday morning, I got a call from my friend, James.

James: Tol, ano ‘tong balita na ikakasal ka na?
Nysa: What?! Kanino mo naman nakuha ang balitang yan?
James: Sige, tawag ulit ako.

It turned out, tinext pala siya ni Wow and itinatanong kung totoo daw ba na ikakasal na ako. Then I told James na sige lang, kunwari lang na totoo yung balita na yun, pero sobrang napasaya talaga ako ng balitang yun. It made my day.

--------------------
Drinking Session

Kinagabihan, tinext ko si Wow:

Nysa: Wala bang inuman?
Wow: Sige, magpapainom daw si James.
Nysa: Sige, tawagan ko siya.

At ayon, natuloy nga ang aming inuman, sa bahay nila James. Nagkwentuhan ng tungkol sa mga cheaters, and siyempre, ang issue na ikakasal na ako. Nalaman pala ni Wow dahil sa hindi inaasahang pagkakataon. Nagpapedicure sya sa bahay nila Pippen, isa din sa mga friends namin. Sinabi daw sa kanya ni Pippen ang details ng kasal ko at ipinamalita pa sa lahat ng taong nandun. Then I remember, nagtxt brigade ako sa mga friends ko na nagsisimula sa « P » ang name tungkol sa isang joke na ikakasal na ako sa November 31, 2008 sa Manila Cathedral. Ang iba ay nagreply na wala naman daw November 31. Pero si Pippen ay nagtanong kung totoo daw ba yun. Nakalimutan ko naman syang replyan kaya siguro naisip nyang totoo nga yun. Tawa ako ng tawa sa kwento na yun, dahil feeling ko, artista ako, dahil ilang beses na akong ikinasal at nabuntis sa loob ng apat na taon.

Tapos habang lumalalim ang gabi, nagkakalasingan na rin. Hanggang mga emo na ang pinag-uusapan. After uminom, nagstroll pa kami, kumain ng lugaw, at ng di nabusog ay nagtapsi pa.

Habang umiinom, nagkukwentuhan, kumakain, nagiistroll, naramdaman ko ang pagmamahal sa’kin ng aking dalawang kaibigan. Sobra concern nila sa akin. Siguro dahil na rin sa ex ko si James at dati ring nagtapat ng feelings itong si Wow. Pero aside from that, alam kong mabubuti silang mga kaibigan, dahil sa pag-aalaga nila sa’kin at dahil sa concern nila sa’kin every time na may problema ako.

Si James, may gf na, pero nagseselos pa daw pag sinasabi nya na magkasama kami. Si Wow, may gf na rin. Dati daw, ako ang pinapangarap nyang maging gf. Pero masyado daw akong mataas, kaya ibinaba nya ang level nya. Naisip ko lang, ganun ba ko kataas? Kung ganun man, dapat lumevel din ako at maghanap ng kalevel ko. Hehe! (Nawala ang idea ko, tumawag kasi si Lovely..)

So dahil, feel nila na sad ako, they suggested,:

Wow: Magboyfriend ka na kasi.
Nysa: E wala akong mahanap eh.
James: Ang dami-dami dyang nagmamahal sa’yo eh.
Nysa: Nasaan, di ko makita?!
Wow: Nasa paligid lang, ayaw mo kasi pansinin.
Nysa : Hay naku, di ko feel, wala namang manliligaw sakin, dahil feeling ko, nasa ugliest state ako ng buhay ko, with all these pimples, na kabuwisit talaga.
Wow: Kahit kailan, hindi ka naging pangit sa paningin ko.

Aside from the good things I realized from my ever reliable friends, these words made my day. (Haha! Oo na, ate Daye, narcissistic na naman ako.)

2 comments:

ewan said...

parang sang-ayon ako kay daye.... hehe

Nysa Tolentino said...

di ako narcissist.. occasionally lang.. saka basahin mo po ung isa kong post, ung don't be a snob.. wala kang makikitang pagka narcissist dun..