Friday, October 10, 2008

panjes


--para ito sa mga nag-aral at nag-aaral sa marcelo h. del pilar high school.

natatandaan nyo pa ba si panjes? sya ung guy na medyo chubby na madalas sa gym area, ung medyo isip bata although mas matanda pa sya sa atin.. ung parang "kulang-kulang"? (sorry Jesus for the term..)

well, ako di ko sya nakakalimutan kasi every sunday ko syang nakikita sa Cathedral kapag nagsisimba ako. although ako, di naman nya ako nakikita.. pero last sunday, after ng mass at nagmamadali akong lumabas dahil nagsisikip na ang daan, dahil may mga papasok na mga tao para sa next mass, nakasalubong ko si panjes. pero hindi ko sya pinansin dahil baka di na naman nya ako kilala dahil 8years na akong wala sa celo. pero nagulat ako ng magkaharap na kami at tinapik pa nya ako.. sabi nya, "oy, isnabera ka!" nginitian ko na lang sya kasi nagmamadali din syang pumasok sa simbahan.

ang saya ko nun kasi di pa pala ako nakakalimutan ni panjes kahit na medyo batang-isip sya. matagal na akong wala sa celo pero natandaan pa rin nya ako..

how i wish na sana ganun rin ang ibang tao.. hindi nakakalimot kagaya ni panjes.

No comments: