Monday, September 29, 2008

Never Been Ugly


Getting married

Last Thursday morning, I got a call from my friend, James.

James: Tol, ano ‘tong balita na ikakasal ka na?
Nysa: What?! Kanino mo naman nakuha ang balitang yan?
James: Sige, tawag ulit ako.

It turned out, tinext pala siya ni Wow and itinatanong kung totoo daw ba na ikakasal na ako. Then I told James na sige lang, kunwari lang na totoo yung balita na yun, pero sobrang napasaya talaga ako ng balitang yun. It made my day.

--------------------
Drinking Session

Kinagabihan, tinext ko si Wow:

Nysa: Wala bang inuman?
Wow: Sige, magpapainom daw si James.
Nysa: Sige, tawagan ko siya.

At ayon, natuloy nga ang aming inuman, sa bahay nila James. Nagkwentuhan ng tungkol sa mga cheaters, and siyempre, ang issue na ikakasal na ako. Nalaman pala ni Wow dahil sa hindi inaasahang pagkakataon. Nagpapedicure sya sa bahay nila Pippen, isa din sa mga friends namin. Sinabi daw sa kanya ni Pippen ang details ng kasal ko at ipinamalita pa sa lahat ng taong nandun. Then I remember, nagtxt brigade ako sa mga friends ko na nagsisimula sa « P » ang name tungkol sa isang joke na ikakasal na ako sa November 31, 2008 sa Manila Cathedral. Ang iba ay nagreply na wala naman daw November 31. Pero si Pippen ay nagtanong kung totoo daw ba yun. Nakalimutan ko naman syang replyan kaya siguro naisip nyang totoo nga yun. Tawa ako ng tawa sa kwento na yun, dahil feeling ko, artista ako, dahil ilang beses na akong ikinasal at nabuntis sa loob ng apat na taon.

Tapos habang lumalalim ang gabi, nagkakalasingan na rin. Hanggang mga emo na ang pinag-uusapan. After uminom, nagstroll pa kami, kumain ng lugaw, at ng di nabusog ay nagtapsi pa.

Habang umiinom, nagkukwentuhan, kumakain, nagiistroll, naramdaman ko ang pagmamahal sa’kin ng aking dalawang kaibigan. Sobra concern nila sa akin. Siguro dahil na rin sa ex ko si James at dati ring nagtapat ng feelings itong si Wow. Pero aside from that, alam kong mabubuti silang mga kaibigan, dahil sa pag-aalaga nila sa’kin at dahil sa concern nila sa’kin every time na may problema ako.

Si James, may gf na, pero nagseselos pa daw pag sinasabi nya na magkasama kami. Si Wow, may gf na rin. Dati daw, ako ang pinapangarap nyang maging gf. Pero masyado daw akong mataas, kaya ibinaba nya ang level nya. Naisip ko lang, ganun ba ko kataas? Kung ganun man, dapat lumevel din ako at maghanap ng kalevel ko. Hehe! (Nawala ang idea ko, tumawag kasi si Lovely..)

So dahil, feel nila na sad ako, they suggested,:

Wow: Magboyfriend ka na kasi.
Nysa: E wala akong mahanap eh.
James: Ang dami-dami dyang nagmamahal sa’yo eh.
Nysa: Nasaan, di ko makita?!
Wow: Nasa paligid lang, ayaw mo kasi pansinin.
Nysa : Hay naku, di ko feel, wala namang manliligaw sakin, dahil feeling ko, nasa ugliest state ako ng buhay ko, with all these pimples, na kabuwisit talaga.
Wow: Kahit kailan, hindi ka naging pangit sa paningin ko.

Aside from the good things I realized from my ever reliable friends, these words made my day. (Haha! Oo na, ate Daye, narcissistic na naman ako.)

Friday, September 19, 2008

I Changed My Number


There are reasons why you change something about yourself. For example, changing your hair-do, wearing black or white, putting nail polish or different color of make-up, wearing glasses, changing contact numbers and many more. When you do any of these, they say that you want to forget something, you want to change your outlook in life, you’re hiding from something or someone, or maybe you had just broke up with your romantic partner.

Last August 26, I changed my Smart number and on September 11, I changed my globe number. To some, who are not so close to me, this is just about changing number, nothing more. But to those people who I think loves me dearly, they asked so many questions which at first is very irritating.

Hey, guys, what’s wrong with changing numbers? One friend said, “Is this part of moving forward? Anyway, I’m happy for you.” Another pal told me, “Tol, I know you, are you avoiding somebody? Basta, if there’s any problem, I’m just here.”

OMG! My friends, if you really know me, ang dali ko kayang makalimot ng lalaki! Hehe! At super tagal na nun noh! 2½ years na ang nakalipas. At di nyo ba alam ang other side of Nysa? Business-minded din kaya ako. Kaya po ako bumili ng bagong sim ay para mag-autoload at e-load. Promise. Yan lang po talaga ang dahilan.

Siguro nadamay na lang sa pagiging business-minded ko ang pagkawala ng mga txtmates, yung mga lalaking nanliligaw na di ko type, at ang past. But still, hindi po to ang main reason why I changed sim.

But I do appreciate the concern. I realized that my friends really love me because they are glad that I’m moving on, este, I changed numbers. But just to clarify, I had moved on, long ago, and you don’t have to worry about me. And currently, I have no romantic attachment, so I don’t have to be like a broken-hearted-emo-girl on the corner.

Sabi ng isang friend ko, “tol, sabihin mo lang, 'maniwala ka', at maniniwala ako.”

Guys, I am telling you, this is purely business. Maniwala ka!

Wednesday, September 17, 2008

UGLY PEOPLE: Don't Be A Snob!


It just pop out of my mind yesterday. Why?

Well, somebody is texting me so frequent and is inviting me to go out, like "pasyal-pasyal, kain-kain." I, being a "taray-princess", asked so many questions but in the end, still did not agree to the idea, for the reason I don't want to explain here (medyo mahabang paliwanagan yun eh.). And this guy replied, "K", without period. So I thought, "nainis siguro sa kasungitan ko." Well, he calls me Ms. Sungit, since he doesn't even bother to know my name. hehe!

Then realization strikes. "Hey girl, 'di ka kagandahan. Diyosa ka man, pero 'di ka naman ganun kaganda para magsungit ng ganyan at tumanggi sa mga taong gustong makipagdate sa'yo."

Then, I remember Kuya Jaeson (Pagaran) said, "Bakit kung sino pa yung pangit, s'ya pa ang nagsusungit?"

Hmmm.. I know, and I know you know it too, na maganda naman ako. Hehe! Diyosa nga! Self-proclaim gorgeous. Pero reality check, 'di naman pang-star ang beauty ko. Pero ibig bang sabihin nun, wala na akong karapatang magsungit?

Ibig bang sabihin, yung magaganda lang ang may karapatang magsungit, tapos ang mga hindi kagandahan, mananahimik na lang? Kapag may nagyayang makipag-date sa'yo, ang magaganda, pwedeng tumanggi or magdemand kung saan dapat pumunta or whatever, at yung mga hindi kagandahan ay walang karapatang tumanggi at hindi dapat magdemand dahil, pasalamat nga sila dahil may nag-invite pa sa kanilang makipag-date?

Sa akin po, every individual is unique, sabi sa psychology class namin. May maganda man o pangit, may kakaiba pa rin silang katangian na nakakapagpashine sa kanila. Sabi nga sa Theme Song ng Betty La Fea, "Hoy tandaan nyo, ang ganda'y lumilipas. Ngunit ang pagkatao ay hindi kumukupas. Katalinuhan at kahusayan, yan ang mahalaga. Gandang panlabas ay hanggang dyan na lang." Hehe!

Another point, every girl should be treated like a glass or a diamond. You should handle it with care, value it, treasure and cherish. Kahit ano pa ang itsura nya, sya ay babae na dapat alagaan at pag-ingatan.

Kayo, what do you think?

Monday, September 15, 2008

Weekend Thoughts


----------
Pumunta ako sa birthday celebration ni Tita Bhing last Friday. Sa bahay sya ng kanyang fiance nakatira, sa Caloocan. Napakalayo pala ng biyahe mula sa SC hanggang Fairview. True to what other people say, 'farview' talaga.

Nag-inuman kami that Friday night kasama ang sister ko, si A, mga pinsan ko, namely: Ate Lyn, Kuya Dong, Bernard, Eric, Jojo; Tito Balong, and friends nila Tita Bhing sa community nila.

Mababait ang in-laws ni Tita Bhing. Super alaga nila kami, lagi kaming pinapakain. I'm happy for my Tita. Alam ko na masaya na rin naman sya dito pero siyempre, sana may blessing na ni God.. soon..

----------
Umuwi kami ng 3pm kinabukasan para humabol na makapanood ng Pinoy Dream Academy. Nakahabol naman kami.

Maganda ang bawat performance ng Top 6 scholars, except sa opening number nila. Feeling ko, napakalamya. Sa group performance naman, mas maganda ang sa girls.

Then nagstart na ang competition. Each scholars will sing 2 songs, one contest piece, and one fast song. Miguel Mendoza started with his contest piece which I can't remember the tile. Tapos Rock DJ naman ang fast song nya. Di ko gusto performance nya kasi maraming flats, especially sa Rock DJ na di nya nagawang maging alive.

Next is Laarni Lozada (not her true surname). She sang Manalig Ka and Boogie Wonderland. Maganda ang pagkakanta nya ng Manalig ka. Truely, she is a birit queen. Di ko lang type ung Boogie Wonderland kasi last time na pinerform eto, sa Happy Feet ko napanood and sobrang natuwa talaga ako. Pero sa performance ni Laarni, naging operatic ang dating ng kanta, plus may mali pa syang notes na sobrang napansin din ng Academy Headmaster Ryan Cayabyab.

Third is Cris Pastor. I don't know the title of her song but I think she sang it well. She really is the Most Improved Scholar of the Academy. With her sexiness, she performed her fast song very well.

Fourth performer is Van Roxas (Pojas is his real surname). I like his performance too although di nga ganun kaganda ang boses nya. Pero compare sa disaster nyang performance with Ms. Kitchie Nadal, mas ok na ito.

Second to the last is my favorite, Liezel Garcia. I also don't know the title of her song. Ung fast song nya ay Respect. She is really great. Without bias, even my friends commented na sya ang pinakamagaling nung gabing iyon. Walang maling notes, pero di pa masyadong bigay sa pag-express. But she is really a unique talent.

Save the best for last, it's Bugoy Drilon (Bugayan is his real surname). He sang Ligaya ang Climb Every Mountain. He has a great vocal chords. Medyo pumiyok lang sya pagpasok sa contest piece nya kasi mukang nabatak sa pagkanta ng Ligaya. Pero bumawi sya sa kalagitnaan at sa ending kung saan, standing ovation pa ang 6 jurors.

Conclusion: According sa performance, without bias and without textvotes:
  1. Liezel Garcia
  2. Bugoy Drilon
  3. Laarni Lozada
  4. Cris Pastor
  5. Van Roxas
  6. Miguel Mendoza
----------
I change hair-do. Nagparelax and trim. Ang tagal ko sa salon, muntik ko ng hindi abutan ang Awards Night ng PDA.

I am not happy with the result. Not because Liezel did not win but because Bugoy did not. Nag-ubos ako ng almost 1,500php sa pagboto kay Liezel but still, it's not enough para manalo sya. Kulang pa ng almost 6,000 votes para makapasok sya sa Top 3.

Pero kahit hindi sya nakapasok sa Top 3, I wished na sana si Bugoy na lang ang manalo. Pero, dala siguro ng kamalasang dala ng kanyang bagong apelyido, 2nd runner-up lang siya.

Hay.. I am not happy.

  1. Laarni Lozada - 35%
  2. Bugoy Drilon - 29%
  3. Miguel Mendoza - 13%
  4. Liezel Garcia - 13%
  5. Van Roxas - 6%
  6. Criz Pastor - 1%