Saturday, October 21, 2006

alas, an encounter with my idol!


Isang Biyernes, October 20, 2006, nagmamadaling umalis ng opisina sina DAYEdalera at Bloggerista.. Pupunta sila ng concert ng kanilang idol.

Habang nasa daan at nakasakay sa taxi, pinipilit nilang itago ang kanilang excitement, naglaro sila ng mga may kinalaman sa plate number. May nakita kasi silang mga plate numbers na nakakatuwa (XGF - ex girlfriend; at UYY - last name ng isa sa kanilang mga boss). Pagkatapos ay naglaro ng buo-buoan ng salita na may mga letra mula sa plate numbers..

Pagdating nila sa Cultural Center of the Philippines, hindi pa nagsisimula ang konsierto kaya't naghapunan muna sila sa pancake house sa loob ng harbour complex, tapat lamang ng CCP. Excited silang makakain ng chicken dahil ipinagmamalaki ito ni Bloggerista. Sa kasamaang-palad, hindi nag-enjoy si DAYEdalera kaya nagyosi sya sa labas.. Buti na lang, bumalik sa kanya ang karma nang may isang tsinoy na bata ang nagsabi sa kanyang ama, "Look Dad, she's a girl and she's smoking!" haha! sutil na bata..

Pagkatapos kumain ay dali-dali na silang pumasok sa CCP. Ang magandang balita ay malapit sila sa stage. O-15 ang upuan ni Bloggerista.. 15 seats ang layo mula sa stage. Bago magsimula ang programa, inihayag na andoon rin pala at nanonood ang Pangulo ng Republika ng Pilipinas, her Excellency Gloria Macapagal-Arroyo. Ang magandang balita, pang-1500 lang ang tiket nya, sila 2000. haha! well, ang pwestong yun ay para talaga sa mga VIP.

Ang konsiertong pinakahihintay nina DAYEdalera at Bloggerista ay ang "Tomorrow", ang konsierto ni Lea Salonga. Parehong tagahanga ni Lea Salonga ang dalawa kaya kahit mahal ang tiket, okey lang sa kanila.

Nagsimula ang konsierto sa pag-awit ng Lupang Hinirang. Ang programa ay nag-umpisa kay Julia Abueva na paikot-ikot sa stage habang sinusundan ang iba't ibang kulay na siyang pinasimulan ng unang awit na True Colors.

Matapos ang ilang awitin ay nagkaroon ng 15 minutes break. Nagbanyo muna sila, pero hindi sabay. Hindi nasimulan ni Bloggerista ang ikalawang yugto, dahil masyadong marami ang nasa banyo.

Natapos ang konsierto sa awiting Tomorrow, ang pinakatema ng konsierto. Ngunit dahil sa hindi mapigilang paghanga ng mga manonood, muling umawit si Lea Salonga ng Pagdating ng Panahon.

Lumabas na sila sa loob ng Bulwagan ngunit bitin pa rin sa presensya ni Lea Salonga. Naghintay sila sa labas upang makatingin na rin ng souvenir items, gaya ng albums, CDs, at souvenir program ng konsierto.

Maya-maya ay nagkaingay na ang mga tao. Si Lea Salonga na raw ang lumabas. Dahil sa excitement ni Bloggerista, sumingit sya sa mga tao, at nakitang si PGMA pala un. Umatras sila, dahil hindi na sila masyadong interesado. Ilang beses na nilang nakadaupang palad si PGMA. Maya-maya pa'y pababa ng hagdanan ang bumubuo sa konsierto kabilang na si Ms. Lea Salonga. Dali-dali silang pumunta sa lugar na un, at inihanda ang kamera. Kinuhanan lang nila si Ms. Lea Salonga hanggang sa ito'y umakyat na muli sa hagdanan.

Kaya nag-picture taking na lang sila sa tabi ng poster. Nakabili din sila ng souvenir ng konsierto.

Isa itong hindi makakalimutang pangyayari sa kanilang buhay.


----------------------------------------

Ang mga nagsiganap:

Daye Tolentino as DAYEdalera
Nysa Tolentino as Bloggerista



No comments: