Saturday, October 21, 2006

alas, an encounter with my idol!


Isang Biyernes, October 20, 2006, nagmamadaling umalis ng opisina sina DAYEdalera at Bloggerista.. Pupunta sila ng concert ng kanilang idol.

Habang nasa daan at nakasakay sa taxi, pinipilit nilang itago ang kanilang excitement, naglaro sila ng mga may kinalaman sa plate number. May nakita kasi silang mga plate numbers na nakakatuwa (XGF - ex girlfriend; at UYY - last name ng isa sa kanilang mga boss). Pagkatapos ay naglaro ng buo-buoan ng salita na may mga letra mula sa plate numbers..

Pagdating nila sa Cultural Center of the Philippines, hindi pa nagsisimula ang konsierto kaya't naghapunan muna sila sa pancake house sa loob ng harbour complex, tapat lamang ng CCP. Excited silang makakain ng chicken dahil ipinagmamalaki ito ni Bloggerista. Sa kasamaang-palad, hindi nag-enjoy si DAYEdalera kaya nagyosi sya sa labas.. Buti na lang, bumalik sa kanya ang karma nang may isang tsinoy na bata ang nagsabi sa kanyang ama, "Look Dad, she's a girl and she's smoking!" haha! sutil na bata..

Pagkatapos kumain ay dali-dali na silang pumasok sa CCP. Ang magandang balita ay malapit sila sa stage. O-15 ang upuan ni Bloggerista.. 15 seats ang layo mula sa stage. Bago magsimula ang programa, inihayag na andoon rin pala at nanonood ang Pangulo ng Republika ng Pilipinas, her Excellency Gloria Macapagal-Arroyo. Ang magandang balita, pang-1500 lang ang tiket nya, sila 2000. haha! well, ang pwestong yun ay para talaga sa mga VIP.

Ang konsiertong pinakahihintay nina DAYEdalera at Bloggerista ay ang "Tomorrow", ang konsierto ni Lea Salonga. Parehong tagahanga ni Lea Salonga ang dalawa kaya kahit mahal ang tiket, okey lang sa kanila.

Nagsimula ang konsierto sa pag-awit ng Lupang Hinirang. Ang programa ay nag-umpisa kay Julia Abueva na paikot-ikot sa stage habang sinusundan ang iba't ibang kulay na siyang pinasimulan ng unang awit na True Colors.

Matapos ang ilang awitin ay nagkaroon ng 15 minutes break. Nagbanyo muna sila, pero hindi sabay. Hindi nasimulan ni Bloggerista ang ikalawang yugto, dahil masyadong marami ang nasa banyo.

Natapos ang konsierto sa awiting Tomorrow, ang pinakatema ng konsierto. Ngunit dahil sa hindi mapigilang paghanga ng mga manonood, muling umawit si Lea Salonga ng Pagdating ng Panahon.

Lumabas na sila sa loob ng Bulwagan ngunit bitin pa rin sa presensya ni Lea Salonga. Naghintay sila sa labas upang makatingin na rin ng souvenir items, gaya ng albums, CDs, at souvenir program ng konsierto.

Maya-maya ay nagkaingay na ang mga tao. Si Lea Salonga na raw ang lumabas. Dahil sa excitement ni Bloggerista, sumingit sya sa mga tao, at nakitang si PGMA pala un. Umatras sila, dahil hindi na sila masyadong interesado. Ilang beses na nilang nakadaupang palad si PGMA. Maya-maya pa'y pababa ng hagdanan ang bumubuo sa konsierto kabilang na si Ms. Lea Salonga. Dali-dali silang pumunta sa lugar na un, at inihanda ang kamera. Kinuhanan lang nila si Ms. Lea Salonga hanggang sa ito'y umakyat na muli sa hagdanan.

Kaya nag-picture taking na lang sila sa tabi ng poster. Nakabili din sila ng souvenir ng konsierto.

Isa itong hindi makakalimutang pangyayari sa kanilang buhay.


----------------------------------------

Ang mga nagsiganap:

Daye Tolentino as DAYEdalera
Nysa Tolentino as Bloggerista



Thursday, October 19, 2006

Proud to be BULAKENYA!


Bulacan province, which revived the spirit of cooperativism, focused on education, promoted women empowerment through the Provincial Commission for the Women of Bulacan and encouraged feedback from constituents through the Constituent Responsive Governance Project.

Bulacan is one of the 10 local government units to receive a special citation from the United Nations which recognizes efforts to fulfill a global promise to eradicate poverty by 2015.

The challenged was specified into eight (8) Millenium Development Goals:
  • Eradicate extreme poverty and hunger.
  • Achieve universal primary education.
  • Promote gender equality and empowering women.
  • Reduce child mortality.
  • Improve maternal health.
  • Combat the spread of HIV/AIDS, malaria and other diseases.
  • Ensure environmental sustainability.
  • Develop global partnerships for development.
Having this award is such a great news for all Bulakenyos. Also, a sign to unite and help the government improve more and achieve the Millenium Development Goals.

I am very overwhelmed, and very proud that I am from Bulacan and glad that I am a Bulakenya. Long way to go!

Please see
Inq7 for more info.

Tuesday, October 17, 2006

1017


Happy birthday to you!
Happy birthday to you!
Happy birthday!
Happy birthday!
Happy birthday to you!

Wish you good health, success and happiness!


God bless you!
Enjoy your day!


-- to you
-- from me


Comentario:

Daye said:
napakaspecial naman... pero dapat hindi naman tinuturing pa naspecial...ewan ko sa yo! grrr!
--October 19, 2006, 5:08 p.m.

Nysa said:
hayy... naku...
kaw talaga! ayaw mo talaga akong lumigaya!
--October 19, 2006, 5:22 p.m.

kcalii said:
Nyak, gusto ka nga ni daye na lumigaya eh hindi maging martir.
Pero kung maligaya ka nang sinasaktan ang sarili mo eh tama ka nga. Hehe
Mag-madre ka na kasi. We will pray for you. (Joke lang)
Paligaw ka na tas ipasuri mong mabuti kay daye bago mo sagutin (magaling sa ganyan si daye eh, matinong BF napili nya - si Gil ba yon?)
May awa si God, makakahanap din sya ng priest para sayo.. hehe
Sige na po, malikot lang akong magisip. Mwah! Bye.
--October 26, 2006, 5:04 p.m.

lhenganda said:
tara ate nysa sasamahan kita sa kumbento, lahat ng gwapong lalaki sa mundo nakakulong na sa seminaryo...
sundan natin, malay mo magbago pa isip nila.. mabait naman si lord eh..Ü
(bad girl ako.. hehe)
pero totoo un mabait si God kaya hintay lang tayo bibiyayaan din nia tyo ng papable na karir hahah...
dapat nga next time hingin ang payo ni mam daye so we'll never go wrong.. hahah.. c mam daye ang idol ng bayan..Ü let her papa instinct unleash.. harhar..
--October 26, 2006, 5:13 p.m.

nysa said:
harhar! wa ko masay!
kcalii -- masarap talaga ang bawal.. tignan mo ang bday cake, ang sarap kainin db?
ang dami na talagang nagsasabi na magmadre ako.. bagay ba un sakin? wag na.. sabi nga ni lheng, bad talaga un... magagalit si GOD kasi aagawin namin sa kanya ang kanyang mga alagad.. harhar!
kapag pinasuri ko kay te daye mga manliligaw ko, di talaga ko liligaya! boring mga type nyan! ung nagbabarko... nagbabasa ng law books... eic ng publication... boring db? di ganyan type ko...
malikot ka na nyang mag-isip? hehe!
lheng--sipsip kay mam daye! gawa na grade nyo.. 5 ka... hehe1 joke! hayaan mo lang yang mga boys na mahalin tayo at mahalin natin... in the end, cla na din hahabol-habol stin...
to all, kung masakit ang saktan ang sarili, try ignorance.. este, try nyong mabuhay ng malungkot at mag-isa... mas masakit un...
--October 26, 2006, 5:26 p.m.

daye said:
Ganon? anong boring... yun yung mga taong make sense..mga taong siguradong will love you more than their passion and surely will put you in pedestal..yung sinasamba ka, yung selfless love at higit sa lahat hindi babaero. (at least hindi nagpapabuko kung babaero man)
si arlene naman ka-flatter para namang authority ako sa lovelife..harharhar eh nakakaisang boyfriend pa nga lang ako eh..yun nga lang medyo maraming involvements.(na nababaliw kapag naging involved sa akin..hahaha...yabang ko na!)
kaya nysa, magsumikap ka..paano ka mkakahanap ng bf kung siya lagi mo nasa isip at ibinablog mo pa...sabagay tama si eric baka sa kakadrama mo sa blog mo..lumigaya ka..harhar
--October 26, 2006, 5:47 p.m.

nysa said:
e hindi na po ako naghahanap pa... baka kasi kahahanap, saka mali ung dumadating.. kaya kung dadating man xa, good luck sa pagdating nya... kung hindi naman, happy na din ako... harhar! o di ba happy..?!
ok lang yan, baka kasi pag di ko nilalabas, saka mas lalo tumindi... (read post sagot sa chika ni kuya rey)
o may sasagot pa ba...
--October 26, 2006, 5:54 p.m.